Pulis na lubhang nasagutan sa ambush sa Northern Samar, binawian ng buhay

 
Binawian ng buhay kagabi, Abril 5, ang isa sa mga pulis na lubhang nasugatan sa pananambang ng rebeldeng grupong NPA sa Las Navas, Northern Samar noong Abril 4 ng madaling araw. Photo: Wiki Commons

TACLOBAN CITY – Isang pulis na lubhang nasugatan dahil sa pananambang ng rebeldeng grupong New People's Army (NPA) sa lalawigan ng Northern Samar ay binawian ng buhay noong gabi ng Martes, Abril 5.

Nasawi si Patrolman Rico Borja, 31-anyos at may asawa, habang nagpapagaling sa Northern Samar Provincial Hospital sa bayan ng Catarman alas-9:45 ng gabi. 

Matatandaan na si Borja kasama ang iba pang myembro ng Community Support Program team ay tinambangan ng mga rebeldeng terrorista noong Abril 4 sa Brgy. San Miguel, Las Navas, Northern Samar na naging dahilan sa agarang pagkasawi ni Patrolman Harvie Lovino at ikinasugat ng isa pang pulis at tatlong sundalo.

Dinala sina Borja sa ospital dahil sa mga pinsala dala ng pagsabog ng isang anti-personnel mine kasunod ng engkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ang yumaong tauhan ng PNP ay binawian ng buhay habang nire-revive sa ika-apat na pagkakataon ng mga medical staff ng Northern Samar Provincial Hospital ngunit kalaunan ay idineklara itong patay ng mga attending physician na sina Dr. Gilbert Cabigon at Dr. Joyce Suan.

Nakiramay naman si PBGen General Bernard Banac, PRO-8 Regional director, sa pamilya ni Borja

"We sincerely sympathize with the family of Patrolman Borja for his untimely death. His bravery in putting service first above anything else makes him a true hero. I know nothing can compensate for his sudden loss but I am certain that justice will be served in due time," ayon kay PBGen General Bernard Banac sa isang pahayag.

Tinitiyak naman ng Police Regional Office - 8 na tulungan ang pamilya ng yumaong si Patrolman Borja sa pagproseso ng lahat ng benepisyo na inilaan para sa kanila. —taklub.com
Taklub.com

Taklub.com's goal is to provide our audience with the latest news, trends, and insights in technology and digital lifestyle. We are passionate about the intersection of technology and our daily lives and strive to bring that to the forefront of our content.

Post a Comment

Previous Post Next Post