Maaring buksan ang Bataan Nuclear Power Plant at magbigay ng prangkisa ang Kongreso para sa operasyon nito kung mapapatunayan na ligtas pa itong gamitin. PHOTO: Wiki Commons |
Maaring buksan ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) at magbigay ng prangkisa ang Kongreso kung mapapatunayan na ligtas pa itong gamitin.
Ayon sa Radyo Pilipinas, inimungkahi ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang pagbubukas ng BNPP matapos na lagdaan ang Executive Order 164 ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayon na gumamit ng alternatibong mapaapgkuhaan ng enerhiya sa bansa kabilang na ang 'nuclear energy.'
Dagdag pa ni Salceda na magandang pagkakataon ang naturang Executive Order na inilabas ng Pangulo para tukuyin kung ligtas pang gamitin ang BNPP o tuluyan na itong isailalim sa de-comission.
₱40-million raw kasi kada taon ang ginagastos para lang maintenance ng planta na hindi naman nagagamit.
Kung sakali naman na ligtas pa itong gamitin at kaya pang i-rehabilitate, ay maaaring maisalalim ang pamumuno nito sa isang public-private partnership sa pamamagitan ng isang prangkisa galing sa kongreso.
“I think we should bid it out as a public-private partnership and grant its operator a franchise. The thing with nuclear power plants is the gestation period for the investment requires several decades. So our private partner will need the political and legal security of a franchise from Congress. That is definitely on the table, and I will tell President Duterte to consider that approach as well,” sabi ni Salceda sa pahayagan. –Taklub.com