![]() |
Nahuli sa akto ang dalawang lalaki na may ginagawang milagro sa isang CR sa loob ng mall sa Cagayan de Oro City. Photo for representation only via Wikimedia Commons |
Arestado ang dalawang lalaki na nahuli sa loob ng isang mall sa CM Recto Street ng Cagayan de Oro City na may milagrong ginagawa, ayon sa isang ulat ng Brigada PH.
Sa halagang P50 umano ay pumayag ang isang lalaki na makipag-churvahan sa isang bading na lolo sa loob ng CR ng mall.
Kinilala ang dalawang naaresto na sila alyas Roger, 68-anyos at si alyas Granger, 30-anyos at may asawa. Naaktuhan umano ang dalawa ng mismong security guard ng mall kaya naman ay dinala sila sa Agora Police Station.
Sa interview ay inamin umano ni lolo Roger na binayaran niya umano ng P50 si Granger para makipag-churvahan sa kanya at dahil walang ibang lugar na mapuntahan ay sa loob na lamang sila sa CR ng mall at nagpasabog ng kanilang init ng katawan.
Umamin naman daw ang matanda na tatlo sila na nag-chuchurvahan sa CR kaya lang ay umalis na ang isa kaya hindi sila naabutan ng security guard. Nahaharap ngayon sa kaso ang dalawa ayon sa ulat. —taklub.com