Bata nasawi pagkatapos na magpatuli sa isang medical mission

Nasawi ang isang 13-anyos na bata matapos na magpatuli ito sa isang medical mission. Naubusan umano ng dugo ang bata na naging sanhi para bawian ito ng buhay.

Patay ang isang 13-anyos na bata sa Lucena City, Quezon Province matapos itong tuliin at maubusan ng dugo.

Ayon sa lolo ng bata, tinuli ang kanyang apo sa isinagawang medical mission ng Scout Royal Brotherhood Fraternity sa Zaballero, Lucena City noong Marso 19.

Ngunit hindi tumigil ang pagdurugo ng bata hanggang sa naisugod ito sa ospital noong Marso 21. Kinabukasan ay binawian ng buhay ang bata.

Sa death certificate ng biktima, nakasaad na naubusan ng dugo ang bata kaya binawian ito ng buhay.

Dumulog ang pamilya ng biktima sa Volunteers Against Crime and Corruption and Public Attorneys Office para bigyan ng hustisya ang sinapit ng bata.

Naniniwala sila na nagkaroon ng omission at negligence sa bahagi ng mga nagsagawa ng medical mission at circumcision.

Isasailalim din sa autopsy ng PAO Forensic Team ang bangkay ng biktima.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, na posibleng nagkaroon ng malpractice at kapabayaan sa sinapit ng bata. Magsilbi din sanang aral ang insidente sa mga magsasagawa ng medical mission. —Taklub.com
Taklub.com

Taklub.com's goal is to provide our audience with the latest news, trends, and insights in technology and digital lifestyle. We are passionate about the intersection of technology and our daily lives and strive to bring that to the forefront of our content.

Post a Comment

Previous Post Next Post