Pagkatapos na mag-alala ang mga netizens sa nag-viral na mga taong nawawala sa Tacloban at kalapit na munisipyo, tatlo sa mga ito ay nahanap na. Photo: TCPO/Rachelle Llones/Facebook |
TACLOBAN CITY – Nahanap na ang tatlo sa mga missing person sa Leyte pagkatapos na mag-viral ang mga ito sa social media. Agaran na inimbestigahan ng kapulisan kung ano nga ba ang nangyari sa kanila para makapagbigay ng impormasyon sa lahat ng mga nag-alala.
Kahapon lang, Pebrero 18, ay natagpuan na si Randy Llones na naiulat na huling nakita sa Palo, Leyte noong Miyerkules, Pebrero 16. Nagpasalamat naman ang kapatid niyang si Rachelle Llones sa lahat ng mga tumulong sa kanila at nagdasal para makita siya.
"Nahanap na namin si Kuya! Maraming salamat sa lahat na tumulong at nagdasal [sa kanya]. We may share a few updates soon but in the meantime, we will take care of kuya first and his needs. Maraming salamat [ulit] sa lahat," ayon sa kanyang post.

Ayon naman sa Police Station Station 2, nakontak na na ni Mrs. Anasitas C. Arpon ang kanyang anak na si Michael Arpon, 34-taong gulang, na naiulat na nawawala noong Enero 29, 2022 at huling nakita sa bahay ng kanyang ate sa Barangay 74, Lower Nulatula, Tacloban City.
Tumawag umano ang kanyang anak sa kanya noong Lunes, Pebrero 14, upang ipaalam na nagtratrabaho siya bilang electrician sa Taguig, Metro Manila. Kinausap rin daw ni Michael ang kanyang asawa at sinabi na huwag siyang mag-alala at nasa mabuti na siyang kalagayan.
Ang isa namang bata, 8-taong gulang, na naiulat na nawala at huling nakita noong Pebrero 3 sa isang gymnasium sa Tacloban ay matagal ng nahanap at ngayon ay nasa kanyang mga magulang na.
Nagpa-alala naman ang Tacloban PNP na maging mapagmatyag sa paligid at magreport kaagad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung may matuklasang kahina-hinalang bagay o tao.
Wala namang sinabi ang kapulisan na may kaugnayan ito sa naipaulat na pickup truck na diumano ay nangunguha daw ng tao. —taklub.com