Zombie attack? Lalaki inatake umano at pinagkakagat sa Valencia City, Bukidnon

Isang lalaki ang inatake at pinagkakagat sa Valencia City, Bukidnon, noong Huwebes, Pebrero 17, ayon sa isang netizen.

TACLOBAN – Isang insidente umano ng pangangagat ang nangyari sa Valencia City, Bukidnon noong Huwebes ng umaga, Pebrero 17, kung saan inatake ang biktima ng isang tao kaya naman nakapagtamo ito ng mga sugat sa katawan.

Sa isang social media post ng isang netizen na si Kristine Baylon, nagpa-alala siya sa mga taga Barangay Tongantongan, Valencia City, Bukidnon dahil sa pangyayaring ito na ikinagulat naman ng mga nakabasa sa kanyang post at itinulad pa sa isang "zombie apocalypse" — na karaniwang tema sa mga sikat na palabas ngayon sa internet.

Hindi naman ito isang zombie attack, kundi isa umanong insidente ng pag-atake.



PAHIBALO SA TANAN‼️PANIRADO GYUD MOG SIGURO SA INYONG TAGSA TAGSA KA PANIMALAY KAY NAA NAY TAWO NGA GAPAMAAK POD UG TAWO, JUSKO‼️NAHITABO NI GABIE ORAS ALA UNA SA KADLAWON😢TONGANTONGAN VALENCIA CITY BUKIDNON.

Posted by Kristine Baylon on Thursday, February 17, 2022

Sa kanyang post, sinulat ni Baylon na isang lalaki di umano ang inatake noong ala una ng umaga noong Huwebes. Makikita naman sa mga larawan na nagkaroon nga ng mga sugat ang nasabing biktima at tila iniinda ito.

Pinaalahanan naman ng netizen na mag-ingat ang mga tao sa Valencia City at laging magsarado ng kanilang mga bahay. 

 "Pahibalo sa tanan‼️ Panirado gyud mog siguro sa inyong tagsa tagsa ka panimalay kay naa nay tawo nga gapamaak pod ug tawo, jusko‼️ Nahitabo ni gabie oras ala una sa kadlawon [sa] Tongantongan, Valencia City, Bukidnon. [Paalala sa lahat! Siguraduhin niyo na sarado ang iyong mga bahay dahil may tao na kinagat ng isang tao. Jusko! Nangyari to kahapon, ala una ng umaga sa Tongantongan, Valencia City, Bukidnon.]” ayon sa post ni Baylon. 

Dagdag pa niya sa kanyang komento, na dinakip naman daw ang suspek at kasalukuyang nasa loob ng kulungan na kinompirma naman ng mga kapulisan. —taklub.com
Taklub.com

Taklub.com's goal is to provide our audience with the latest news, trends, and insights in technology and digital lifestyle. We are passionate about the intersection of technology and our daily lives and strive to bring that to the forefront of our content.

Post a Comment

Previous Post Next Post