Sunog nangyari sa Allen, Northern Samar; P15 million halaga ng mga ari-arian natupok

Natupok ang hindi bababa sa walong establishmento nang sumiklab ang isang sunog sa commercial area sa Allen, Northern Samar noong huwebes ng gabi, Peberero 17.

TACLOBAN – Natupok ang hindi bababa sa P15 milyong halaga ng mga ari-arian nang sumiklab ang sunod sa isang commercial area sa Zone 1 Sabang, Allen, Northern Samar noong Huwebes, Pebrero 17, 2022.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP-8) na nagsimula ang sunog dakong 10:35 p.m. ng gabi at umabot sa Alarm Level 4 kung saan agad naman nila ito rinespondehan.

IN PHOTOS: Aerial view of the fire that broke out in Allen Commercial Center, Brgy. Sabang I, Allen, Northern Samar on Thursday, February 17, 2022 at around 10:30 PM.

Posted by ALLEN TV on Thursday, February 17, 2022

Ang mga bumbero na rumesponde sa insidente na mula sa Allen Fire Station ay sinubukan na agad na makontrol ang sunog ngunit umabot pa ng 4:00 a.m. ng umaga nang tuluyang itong dineklarang "fire out."

Hindi bababa sa walong mga establishemento ang nasunog at ayon naman sa mga saksi, narinig pa nila ang ilang mga pagsabog sa lugar ng pinangyarihan.

Wala namang naiulat na nasawi sa insidente habang inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. —Taklub.com
Taklub.com

Taklub.com's goal is to provide our audience with the latest news, trends, and insights in technology and digital lifestyle. We are passionate about the intersection of technology and our daily lives and strive to bring that to the forefront of our content.

Post a Comment

Previous Post Next Post