Mga pwedeng gawin kung wala kang ka-date ngayong Valentine's Day



Kung wala kang ka-date ngayong Valentine's Day, huwag ka malungkot dahil hindi dahilan na wala kang kasintahan para hindi mo ipagdiwang ang araw na ito. 

Madaming pwedeng gawin sa araw na ito at may puso ka naman kaya pwede mo ipagdiwang ang Valentine's Day. Pwede ka magsimba, samahan ang iyong magulang o kaya naman maging third-wheel sa mga kaibigan mong may kasintahan.

Maari mo ding sundin ang mga sumusunod:

1. Manood ka sa Netflix

Sa panahon ngayon, isang pindot mo lang ng yung Smart TV o cellphone ay pwede ka ng mag-movie marathon kaya naman pwede kang mag "Netflix at chill" nalang kung wala ka namang kadate.

2. Magtrabaho ka ng maayos

Dahil naman Lunes ang araw na ito, maaring magfocus ka nalang sa trabaho at pagbutihin mo ang ginagawa mo. Kung tambay ka naman at walang trabaho, pwede naman may gawin ka para lumipas agad ang araw.

3. Samahan mo sa date ang iyong magulang

Total wala ka namang jowa, ba't hindi mo nalang samahan ang iyong magulang sa kanilang date o kaya librehin mo sila para naman matuwa sila sa'yo. Kung wala ka namang panglibre sa magulang mo, ikaw nalang kumuha ng kanilang picture.

4. Magsimba at makipagdate sa Panginoon.

Pwede kang magsimba sa araw na ito at makipagdate sa Panginoon. Kung hindi ka naman relihiyoso, panahon na para makipag-usap ka ng masinsinan sa Panginoon at magpatawad sa mga kasalanan at mga maling nagawa mo na. O kaya magpasalamat sa mga biyayang natatanggap mo araw-araw.

5. Maging third-wheel sa kaibigan mong may jowa

Kung wala ka namang ginagawa, pwede kang maging third wheel sa date mong may kasintahan. Alukin mo na din ang kaibigan mo na ikaw na ang kukuha ng kanilang 'myday,' larawan at video sa kanilang date. Syempre, humingi ka ng bayad pagkatapos!

6. Mag-exercise ka para pagpawisan

Maganda ding mag-exercise sa araw na ito at ituon mo ang iyong oras sa pagpapaganda ng iyong katawan kung wala ka namang kadate. Malay mo next year may kadate ka na kaka-exercise mo!

7. Magtanim ka at magpakaplantito/tita

Dahil hindi ka naman madidiligan, pwede ring ikaw na ang magdilig dahil ito ay magandang araw para magpakaplantito o plantita ka at simulan mo ang 'hobby' ng pagtatanim. Nakakatulong rin ito sa sarili mo lalo na kung wala ka ng kakainin.

8. Mag-grocery ka at i-treat ang iyong sarili

Kung madami ka namang pera, itreat mo na ang iyong sarili sa araw na ito at bilhin ang mga gusto mong damit o gadget. Kung wala ka namang pang-grocery sa department stores o mall, okay na ang pumunta sa palengke at bumili ng mga kakain mo para sa susunod na mga araw.

9. Kung may alaga kang hayop, paliguan mo!

Perfect din ang araw na ito para paliguan mo ang alaga mong hayop gaya ng aso o pusa kaya ituon mo ang oras at pagmamahal mo sa kanila.

10. Magsulat ka ng kung anu-ano

Dahil wala ka ngang magawa at gusto mong matapos agad ang araw, baka panahon na ito para magsulat ka sa mga gusto mo o kaya gumawa ng sarili mong tips sa mga dapat gawin kung wala kang jowa ngayong Valentine's Day. Baka sa araw na ito mo pa madiskubre na isa ka palang magaling na manunulat!

—taklub.com
Taklub.com

Taklub.com's goal is to provide our audience with the latest news, trends, and insights in technology and digital lifestyle. We are passionate about the intersection of technology and our daily lives and strive to bring that to the forefront of our content.

Post a Comment

Previous Post Next Post