Dalawang bata namatay sa pag-atake ng mga rebeldeng NPA sa Northern Samar


Dalawang bata ang napatay habang isang nasa hustong gulang na sibilyan ang sugatan sa pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Catubig, Northern Samar noong nakaraang Martes, February 8.

Sinabi ni Col. Perfecto Peñaredondo, 803rd Infantry Brigade (IB) commander, na rumesponde ang mga sundalo sa napaulat na presensya ng mga armadong lalaki sa Barangay Roxas nang mangyari ang pamamaril.

Idineklarang dead on arrival sa Catubig Hospital si Andre Mercado, 12. Ang isa pang biktima na si Leandro Alivio, 13, ay namatay habang ginagamot sa Northern Samar Hospital noong Miyerkules. Dalawa rin umanong rebelde ang nasugatan nang gumanti ng putok ang mga sundalo.

Ang pamahalaang munisipyo ng Catubig at ang pamahalaang panlalawigan ng Northern Samar ay nagbigay ng tulong sa mga kaanak ng mga nasawi at sa mga sugatang sibilyan.

Dahil sa pangyayari, nag-deploy ang 803rd IB ng karagdagang mga sundalo sa Barangay Roxas.

Kinondena naman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)  ang  pag-atake ng New People's Army (NPA) na ikinamatay ng dalawang bata. 

Sa isang pahayag, nagpaabot din ng pakikiramay si NTF-ELCAC spokesperson for Social Media Affairs and Sectoral Concerns, Presidential Communications Operations Office Undersecretary Lorraine Badoy, sa mga pamilya ng mga biktimang napatay nang mga rebeldeng kabilang sa NPA.

Sinabi niya na ang mga rebelde ay "duwag na kumukuha [ng mga buhay] ng bata" at pinagkakaitan sila ng isang ligtas na lugar "kung saan sila maaaring lumaki, matupad ang kanilang mga pangarap at maging matibay na haligi ng ating demokrasya." 

Nanawagan naman si Badoy sa mamamayan na manindigan at makiisa sa NTF-ELCAC sa pagwakas sa paghihimagsik ng mga komunista.  Taklub.com














Taklub.com

Taklub.com's goal is to provide our audience with the latest news, trends, and insights in technology and digital lifestyle. We are passionate about the intersection of technology and our daily lives and strive to bring that to the forefront of our content.

Post a Comment

Previous Post Next Post